Marcos sa DA: Pag-aralan ang pagtatayo ng imbakan ng palay at mais
MANILA, Philippines — “Pag-aralan ang mungkahing pagtatayo ng silos o imbakan ng palay at mais para matiyak na mayroong buffer stock ng palay at mais para sa loob ng 30 araw.”
Ito ang naging utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kina Department of Agriculture (DA) Usec. Drusila Bayate at National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco nang makipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang.
Sa nasabing meeting, pinatitingnan ni Pang. Marcos sa mga opisyal kung uubra na magkaroon ng rice and corn stations modules gamit ang mother-daughter o Hub and Spoke system.
Sabi pa ng Presidente, naging epektibo sa ibang bansa ang rice stations and modules para sa pag-iimbak ng palay.
Sinegundahan ito ni Aileen Christel Ongkauko ng La Filipina Uy Gongco Corp., at namumuno sa PSAC Agriculture group na nagsabing ang naturang sistema ay ginagamit na sa China, Estados Unidos at India.
- Latest