Magtayo ng permanenteng evacuation centers sa halip na classrooms – solons
MANILA, Philippines — “Permanenteng evacuation center ang itayo sa halip na mga classrooms para sa nagsilikas na mga tao sa panahon ng bagyo o lindol.”
Ito ang hiling ni ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, pero ang problema anya ay walang pondo sa pagpapatayo ng mga ito kaya nagdodoble ang function ng mga paaralan,dahil ginagamit ding evacuation center.
Suhestiyon ni Rep. Tulfo, maglaan ng pondo para sa mga ito na maaring gamitin as multi-purpose buildings pag walang kalamidad.
“One fine example is itong sa Mayon, medyo matagal-tagal na ang mga evacuees sa mga classrooms. Mabuti na lang bakasyon na,” wika naman ni ACT-CIS 1st Nominee Cong. Edvic Yap. Dagdag pa ni Cong. Yap, “I think na brought up na ito ni Cong. Erwin Tulfo kay Pangulong Marcos noong sa DSWD pa siya pero siyempre maraming other priorities ang administrasyon tulad ng hunger mitigation, subalit we really need to start building these evacuation centers kasi panay ang delubyo na ngayon dahil sa climate change.”
- Latest