2 kadete ng PNPA dinismis, 43 sinuspinde
MANILA, Philippines — Dinismis ang dalawang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) habang 43 ang sinuspinde dahil sa iba’t ibang mga paglabag.
Tumanggi si PNPA director Maj. Gen. Eric Noble na ibunyag ang mga pangalan at paglabag, subalit sinabi nito na bahagi ito ng pagpapanatili ng kalidad, pagdidisiplina at propesyonalismo ng PNPA.
Pirmado ni Noble ang pagkakasibak ng dalawang kadete noong Hunyo 12, matapos mapatunayang nagkasala ang mga ito sa reklamong isinampa laban sa kanila.
Indikasyon lamang ito na hindi kinukunsinti ng PNPA ang mga lumalabag na kadete sa regulasyon.
Samantala, nasa 13 kadete ang sinuspinde at ibinalik sa lower class bilang parusa dahil sa academic-related shortcomings habang ang 30 kadete ay suspindido dahil sa non-academic at tactics deficiencies.
- Latest