^

Police Metro

‘Di sinadya ang sunog sa Manila Central Post Office – BFP

Mer Layson - Pang-masa
‘Di sinadya ang sunog sa Manila Central Post Office – BFP
The Manila Central Post Office is photographed on June 6, 2023, two weeks after a fire gutted the historic structure on May 22, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lumabas sa resulta ng imbestigasyong isi­nagawa ng Bureau of Fire Protection na aksi­dente o hindi sinadya ang nangyaring sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong Mayo 21 ng gabi.

Nabatid na ang sunog ay nagsimulang su­miklab mula sa isang ba­terya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang sumabog at tumupok sa mga nakapaligid ditong combustible materials na nasa Mega Manila Sto­rage Room.

Anang BFP, kabilang sa mga gamit na nakaimbak sa naturang silid ay mga office supplies, thinner, at pintura kaya’t itinuturing nila na sarado na ang im­bestigasyon.

Sinabi naman ni PhilPost Postmaster General Luis Carlos na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP at ngayon aniya ay magpopokus na lamang sila sa recovery at rehabilitasyon ng nasunog na makasaysayang gusali.

Inabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula matapos ang 30-oras na kung saan ay 18 katao na karamihan ay bumbero ang nasu­gatan at aabot sa P30 mil­yon ang halaga ng mga ari-ariang natupok.- Danilo Garcia

vuukle comment

POST OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with