^

Police Metro

2 High School student nilamon ng ilog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang matagpuan ang magkaklaseng Junior High School student matapos malunod sa malalim na bahagi ng Cagayan River sa Simayung, Abulug, Cagayan.

Magkasunod na narekober ang katawan ng dalawang biktima na sina Jakevie Balanza at Aldrin Pabalan, kapwa 15-anyos at grade 10 student ng Libertad National High School sa nasabing bayan.

Una rito, nagtungo sa ilog ang dalawa upang maligo kasama ang isa pa nilang kaklase na si Julius Galano, 16-anyos.

Palusong pa lamang umano sina Julius at Aldrin nang mapansin na iba ang galaw ng tubig kaya’t dali-daling umahon ang mga ito.

Napansin naman ni Jakevie na nahihirapan umano sina Julius at Aldrin kaya kumuha ito ng kawayan para may makapitan ang dalawa pero habang tinutulungan ni Jakevie si Aldrin ay nahulog ito sa tubig dahilan naman ng kanyang pagkalunod.

Tanging si Julius lamang ang nakaligtas sa nangyaring trahedya.

Nabatid na halos 150 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente sa bahagi kung saan narekober ang katawan ng dalawang estudyante, alas-7:00 ng umaga nitong Hunyo 4.

vuukle comment

HIGH SCHOOL

ILOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with