Top first term city mayors sa Pinas, kinilala – RPMD
MANILA, Philippines — Sa inilabas na survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay kinilala ang mga “top performing first-term city mayors” sa bansa.
Binigyang-diin sa ulat ang pambihirang pagganap nina Mayors Eric Singson ng Candon City (92.8%), Jeannie Sandoval ng Malabon (91.9%), Along Malapitan ng Caloocan (91.8%), at John Rey Tiangco ng Navotas City (91.82%) na nagpakita ng kahanga-hangang pamumuno, at statistically-tied sa 1st rank, na kumakatawan sa isang sama-samang pagpapakita ng epektibong pamamahala at hindi natitinag na pangako sa pag-unlad sa kani-kanilang mga lungsod.
Pumangalawa si Mayor Denver Chua ng Cavite (88.85%) at Mayor Indy Oaminal Jr. ng Ozamis (88.78%). Ang ikatlong posisyon ay nakuha nina Mayor Bambol Tolentino ng Tagaytay (88.29%), Mayor Lucy Torres ng Ormoc (87.91%), Mayor Geraldine Rosal ng Legaspi (87.55%), at Mayor Sheen Tan ng Santiago (87.42%). Ang ikaapat na puwesto ay sina Mayor Albee Benetiz ng Bacolod (83.72%), Mayor Pao Evangelista ng Kidapawan (83.57%), Mayor Joy Pascual ng Gapan (83.48%), Mayor Bruce Matabalao ng Cotabato (83.16%), at Mayor Henry Villarica ng Meycauayan (83.12%) habang nasa ika-5 puwesto sina Mayor Jane Yap ng Tagbilaran (82.15%), Mayor Baste Duterte ng Davao (82.11%), Mayor Bullet Jalosjos ng Dapitan (81.92%), Mayor Paul Dumlao ng Surigao (81.73%), Mayor John Dalipe ng Zamboanga (81.56%), at Mayor Marilou Morillo ng Calapan (81.32%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD na ang survey ay isinagawa bilang bahagi ng mas malawakang “RPMD’s Boses ng Bayan” na pambansang survey mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023, ng RP-Mission and Development Foundation Inc., kung saan may kasamang 10,000 na nahalal na random na mga respondenteng rehistradong botante.
- Latest