First Gen LNG, Prime Infra kinilala sa clean energy
MANILA, Philippines — Lumagda ang First Gen LNG Corporation (FGENLNG) at Prime Infrastructure Capital, Inc. (Prime Infra) ng isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapatakbo ng Liquefied Natural Gas storage at regasificaton terminal (LNG Terminal) na binuo sa loob ng First Gen Clean Energy Complex sa Batangas City.
Ang LNG Terminal ay opisyal na na-certify ng Department of Energy (DOE) bilang Energy Project of National Significance at nabigyan ng Certificate of Energy Project of National Significance noong 5 Agosto 2019. Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38), na nagpapahintulot sa patuloy na produksyon ng Malampaya gas field at matiyak na ang natitirang mga reserbang gas ay magagamit hanggang 22 Pebrero 2039.
Ang kasunduan ay naglalaman ng pagkilala ng FGEN LNG at Prime Infra sa pangangailangang tiyaking ligtas ang mapagkukunan ng natural na gas na nagbibigay ng mura at napapanatiling baseload power sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng gas.
Ang FGEN LNG ay isang pag-aari na subsidiary ng First Gen Corporation, isa sa pinakamalaking independiyenteng producer ng kuryente sa bansa at ang nangungunang kumpanya sa pagbuo ng elektirisidad sa Pilipinas.
Ito ay may humigit-kumulang 2,000 MW sa mga operating gas asset na binubuo ng apat na gas-fired power plants.
Ang First Gen Corporation ay ang pangunahing power generation arm ng Lopez Group of Companies, na pinamumunuan ng Chairman na si Federico R. Lopez habang ang Prime Infra ay isang fast-growing sustainability-driven infrastructure arm ng Filipino businessman Enrique K. Razon Jr.
- Latest