^

Police Metro

5 katao tinamaan ng kidlat, 2 patay

Cristina Timbang - Pang-masa
5 katao tinamaan ng kidlat, 2 patay
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Xian Agripa Parangan, 10, estudyante, ng Brgy. Pasong Camachile 2; at Edison Hachero, 16, residente ng Brgy. Santiago, pawang sa  Gen. Trias City.
File

MANILA, Philippines — Limang katao ang tinamaan ng kidlat na kung saan dalawa sa kanila na pawang estudyante ang nasawi, naganap kamakalawa habang kasagsagan ng ulan sa Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Xian Agripa Parangan, 10, estudyante, ng Brgy. Pasong Camachile 2; at Edison Hachero, 16, residente ng Brgy. Santiago, pawang sa  Gen. Trias City.

Ang tatlong nasuga­tan na inoobserbahan sa pagamutan ay kinilalang sina John Carlo Mira, 9; Vince Angelo Angcaya, 10, kapwa ng Brgy Pasong Camachile 2; at Jovic Gubat, nasa hustong gulang, ng Brgy. Santiago.

Sa ulat unang insidente ay naganap, alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Santiago kung saan kasagsagan ng ulan ay nakatayo sina  Hachero at Gubat sa gilid ng kalsada at naghihintay ng pagtila ng ulan nang big­lang kumidlat at diretsong tumama sa dalawa.

Kapwa bumulagta ang dalawa at isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital, subalit idineklarang dead on arrival si Hachero habang si Gubat ay kasalukuyang inoobserbahan.

Kasunod nito, alas-7:30 ng gabi naman sa Brgy. Pasong Camachile 2 ay  nagpapalipad ng saranggola sina Parangan, Mira at Angcaya sa open field ng lugar nang bigla umanong bumuhos ang malakas na ulan kaya sumilong ang mga ito sa malaking puno.

Nang nasa ilalim na ng puno ang mga biktima, ay biglang kumulog kasunod ay ang pagkidlat na tumama sa mga biktima. Agad namang naitakbo sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival si Para­ngan.

KIDLAT

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with