^

Police Metro

Alyas ‘Bikoy’ hinatulang guilty sa perjury

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nahatulan ng korte na makulong ng isang taon at isang araw ang kontro­bersyal na si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’ ukol sa pagtukoy niya sa tatlong miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) sa ‘ouster plot’ laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 18-pahinang desisyon ng Manila City Metropolitan Trial Court Branch 17, napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” si Advincula sa kasong perjury.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo nina Attys. Erin Tañada, Jose Manuel “Chel” Diokno, at dating Supreme Court spokesperson Theodore Te na pawang tinukoy ni Advincula na mga miyembro ng “Project Sodoma”, at sinasabing nagbubuo ng plano para pabagsakin noon si Duterte.

Isa sa akusasyon ni Advincula ay nagpulong umano ang tatlo noong Marso 4, 2019 at Mayo 2, 2019 para buuin ang kanilang plano.

Ngunit sinabi nina Diokno at Tañada na hindi nila nakita si Advincula noong Marso 4 nang du­malo sila sa isang forum sa Ateneo de Manila University bilang mga senatorial candidates.

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with