^

Police Metro

Beneficiaries sa ‘sangla-ATM’ scheme, binalaan ng DSWD

Mer Layson - Pang-masa
Beneficiaries sa �sangla-ATM� scheme, binalaan ng DSWD
This undated photo shows a person inserting their card into an automated teller machine.
The STAR / File photo

MANILA, Philippines — Mariing binalaan kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng cash transfer subsidy programs ng pamahalaan laban sa pagsasangla ng kanilang ATM cards o paggamit ng kanilang cash cards o ATM cards bilang kolateral sa kanilang utang.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ilegal ang “sangla-ATM” scheme at isang paglabag sa cash transfer program ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Gatchalian, sa sandaling ibigay ng benepisyaryo ang kanyang ATM o cash card sa ibang tao ay ito na ang nagiging bagong beneficiary ng programa.

“That is against the rules,” dagdag pa ni Gatchalian, sa panayam sa radyo.

“Anytime na isangla mo ang isang cash card na ipinagkaloob sa’yo ng gobyerno... ilegal ‘yun. Sa ‘yo ibinigay ‘yun, sa ‘yo nakapangalan ‘yun at ‘wag na ‘wag mong ibibigay sa ibang tao,” aniya pa.

Nagbabala rin naman si Gatchalian na may katapat na parusa ang natu­rang paglabag at maaaring mauwi sa pagkakatanggal niya mula sa mga iba pang programa ng pamahalaan sa hinaharap.

“May parusa ‘yun. You can be disbarred from future programs of the go­vernment,” ani Gatchalian.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Gatchalian ang publiko na kaagad na impormahan ang DSWD kung may nalalaman silang mga benepisyaryo na nagsasanla ng kanilang cash cards o ATM upang kaagad itong maimbestigahan.

vuukle comment

ATM

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with