^

Police Metro

Rep. Teves sa ulat na uuwi na sa Pinas: ‘Fake news’

Joy Cantos - Pang-masa
Rep. Teves sa ulat na uuwi na sa Pinas: âFake newsâ
Suspended 3rd District Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr.

MANILA, Philippines — Sinopla at tinawag na fake news ni suspended 3rd District Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr., ang naging anunsyo kamakalawa ni  Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na uuwi na siya ng bansa kahapon.

“Dapat tinanong muna nila ako bago sila nagsalita, di ba?” pahayag ni Teves sa mensahe nito sa tanong ng ilang reporters sa Kamara.

Magugunita na kamakalawa ay inihayag ni Remulla, mayroon umano siyang reliable source na nagsasabing uuwi na si Teves sa bansa matapos tanggihan ng Timor-Leste ang kahilingan na asylum.

Tumanggi naman si Teves na magkomento sa kanyang asylum application sa Timor-Leste.

“Tanungin na lang ninyo si Boying. Alam niya siguro yun. Mas marami siyang alam sa akin,” dagdag pa ni Teves na ang tinutukoy ay si Remulla.

ARNIE TEVES JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with