^

Police Metro

House speaker dodoblehin pa ang kayod sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag si House Speaker Ferdinand Romualdez na dodoblehin pa ang pagtrabaho sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na makakabuti sa pamumuhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

Ito ay matapos sumirit ng 15 points ang satisfaction rating ng mga tao sa kanya na ngayon ay nasa 59 percent na, habang lumundag ng 17 percent naman ang tiwala ng mamamayan sa kanya na nasa 55 percent na ngayon base  sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research group nitong Marso lang.

“Marami pang batas ang dapat naming gawin sa kongreso para guminhawa ang buhay ng mga Pinoy tulad ng sa trabaho, income, healthcare, edukasyon, pabahay, presyo ng bilihin, at iba pa”, ayon kay Romualdez.

Aniya, “maraming-maraming salamat sa inyong suporta. Pangako ko po na hindi ko po kayo bibiguin sa inyong tiwala. Lalo ko pa pa-iigtingin ang aking paglilingkod”.

Nagpasalamat din ang lider  ng kongreso sa mga kasamahan sa pagpasa ng mga panukalang batas na kailangang-kailangan ng bansa lalo na ang national budget.

Pahabol pa ni Spea­ker Romualdez, asahan umano ng sambayanan na tutulong siya sa mga proyekto at programa ni Pangulong Marcos para tuluyan ng makaahon ang bansa mula sa pagkalugmok dahil sa pandemya.

FERDINAND ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with