^

Police Metro

145 estudyante sa Occidental Mindoro naospital sa matinding init

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot sa 145 estud­yante sa Occidental Mindoro ang naospital nang mahilo bunsod ng labis ng init na panahon na pinalala ng pagkawala ng kuryente sa kanilang lugar.

Ayon kay Department of Education Assistant Schools Division Supe­rintendent Rodel Magnaye, pito sa mga estud­yante ng San Jose National High School, ang nahirapan huminga na nauwi sa pagkahimatay, 10 ang naka­ramdan ng pagkahilo ang iba ay dumanas ng matin­ding sakit ng ulo.

Nabatid na mahigit isang buwan na ang nararanasang krisis sa kuryente ng Occidental Mindoro.

“Sa kasalukuyan po, ang mga bata na nagkakaroon ng pagkaranas ng sobrang kainitan ay nabibigyan ng karampatan at kagyat, mabilisang pagtugon ng ating health nurses ng ating mga medical officials ng San Jose, dahil meron kaagad na ambulansya na nakaantabay sa mga lugar sapagkat nasa sentro naman po ang paaralan ng kabayanan,” ani Magnaye.

Ayon pa kay Magnaye, bagama’t marami na rin ang mga electric fan sa mga silid-aralan, kabilang na ang mga solar-powered pinapayuhan pa rin ang mga magulang na pagbaunin ng tubig ang kanilang mga anak.

Ginawa rin nilang alternatibo ang paglimita sa pasok ng mga estudyante.

Kaugnay nito, sinailalim na sa state of cala­mity ang Occidental Min­doro dahil 4 na oras lamang kada araw may suplay ng kuryente sa nasabing lala­wigan.

Ayon kay Vice Go­vernor Diana Apigo Tayag, matindi na ang epekto ng blackout sa pag-aaral ng mga estudyante, kalusugan at kabuhayan ng mga taga-Occidental Mindoro.

Isa sa mga gamit ng calamity fund ay ang pagbili ng krudo para may magamit na kuryente sa mga ospital.

Sumabay pa ang power crisis sa napakatinding init ng panahon kaya marami na ang nagkakasakit.

MAINIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with