Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila -- NWRB
MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.
Ito ang tiniyak ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., bagama’t sapat ang suplay ng tubig, ay kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit ng suplay.
Anya, normal pa naman ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nasa 197.29 meters na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.
Sinabi pa ni David na walang malaking impact ang pagtataas sa water allocation sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concessionaires sa 52 cubic meters sa buwan ng Abril.
“Ganoon pa man, kailangan natin i-monitor ang kasalukuyang development sa Angat Dam, lalo na sa pagpasok ng El Niño na posibleng pumasok bago magtapos ang taon at tatawid sa susunod na taon,” dagdag ni David.
- Latest