Ex-DFA chief Albert del Rosario, pumanaw na
MANILA, Philippines — Pumanaw kahapon sa edad na 83 si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na top diplomat ng bansa nang hamunin ng Pilipinas ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) chief Enrique Manalo.
“I extend my deepest condolences to the loved ones of Secretary Albert F. Del Rosario,” ani Manalo.
“He was a consummate diplomat and an inspiring leader who led the DFA with integrity and unwavering commitment to public service. You will be missed, Mr. Secretary,” dagdag ng opisyal.
Isinilang si Del Rosario sa Manila noong Nov. 14, 1939.
Nagsilbi siyang foreign affairs secretary sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Bago maupo sa DFA, nanungkulan siya sa Philippine Ambassador to the United States sa termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
- Latest