^

Police Metro

Granada sumabog: 2 Cafgu, 1 pa patay

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang kasapi ng Citizens Armed Forces Geogra­phical Unit (Cafgu) at isang babae ang nasawi sa pag­sa­bog ng granada sa loob ng isang bahay sa bayan ng Labason, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office kinilala ang mga nasawi na sina Diego Babor Barnido; Benefrancis Babor Barnido, kapwa miyembro ng Cafgu, at kasambahay na si Sabina Baylosis Barnido, sanhi ng mga tama ng shrapnel sa kanilang mga katawan.

Una diumanong nakarinig ang mga kapitbahay ng mga biktima ng pagtatalo sa loob ng tahanan bago umali­ngaw­ngaw ang malakas na pagsabog na ikinagulat ng mga residente ng Barangay Lawigan.

May ilang mga menor-de-edad pa ang naiulat na bahagyang nasugatan sa pagsabog na inaalam pa ang pag­kakakilanlan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng pag-aari ng isa sa dalawang Cafgu member ang granadang sumabog na nagsanhi ng pagkamatay ng tatlo.

vuukle comment

DEAD

EXPLOSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with