5 magkakaibigan utas sa kidlat
MANILA, Philippines — Nauwi sa malagim na trahedya ang piknik ng anim na magkakaibigan nang sila ay tamaan ng kidlat na ikinasawi ng lima habang nasa kritikal na kalagayan ang isa kamakalawa ng hapon sa Digos City, Davao del Sur.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Glendelle Joy Villocino, 17; Valerie Asutilla, 23; John Gabriel Hersania, 15; Geramie Cartagena, 18; at Jonmel Galicia, 19, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Clarence Cate Chatto, 21.
Ayon kay CDRRMO Executive Officer Sammy Miralles, alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Camp Madigger, Binaton, Digos City, Davao del Sur.
Sa imbestigasyon ng Digos City Police, pauwi na ang mga biktima galing sa camping sa Camp Madigger, subalit naabutan sila ng malakas na buhos ng ulan nang biglang kumidlat at tinamaan sila na nagresulta ng pagkamatay ng 5 habang patuloy na inoobserbahan sa ospital si Chatto.
- Latest