^

Police Metro

6 Pinoy sa Laos nakatakas sa ‘love scam’ syndicates

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagawang makatakas ang anim na Pinoy sa kanilang mga employers sa Laos makaraang piliting pagtrabahuhin ng ilegal ng isang sindikato.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na dumating sa bansa ang mga repatriated na Pinoy sakay ng Philippine Airlines flight PR741 nitong Abril 6 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Nabatid na na-recruit ang mga biktima upang magtrabaho bilang chat support agents sa Thailand. Mula Thailand, dinala sila sa Laos kung saan pinu­wersa silang magtrabaho sa isang sindikato.

Ipinagtapat nila na pinuwersa sila na magtrabaho sa isang kum­panya bilang mga ‘love scammers’ na target ay mga Asyano.

Modus nila ang ­paghahanap ng kliyente na magi-inlove sa kanila at hihikayatin nila na mag-invest sa kanilang ‘pseudo company’.

Ikinuwento pa nila na tatlong beses na silang ibinibenta sa mga kum­panya bago sila makahingi ng tulong sa Philippine Embassy sa pamamagitan ng online communication.

“Imagine being sold like inanimate objects. These transnational crimes are becoming more and more alarming, and I call on everyone to remain vigilant,” saad pa ni Tansingco.

LOVE SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with