Big time oil price hike, ilalarga sa Martes
MANILA, Philippines — Isa namang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga oil companies sa bansa ang nakatakdang ipatupad sa susunod na linggo. Sa abiso ng oil industry players, nabatid na sa final estimates ang gasolina ay inaasahang magtataas ng presyo ng mula P2.50 hanggang P2.80 kada litro.
Ang diesel naman ay inaasahang magkakaroon ng pagtaas na ma P1.50 hanggang P1.80 kada litro.
Samantala, ang kerosene ay inaasahang magkakaroon ng pagtaas na mula P1.80 hanggang P2.10 kada litro.
Ang oil price hike ay karaniwang iniaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinatutupad naman sa araw ng Martes.
- Latest