^

Police Metro

Number coding sa Makati sa Abril 6, 7 at 10 suspendido

Ludy Bermudo - Pang-masa
Number coding sa Makati sa Abril 6, 7 at 10 suspendido
Sa abiso na inilabas, hindi ipatutupad ang number coding scheme sa Makati City sa Abril 6 (Holy Thursday), Abril 7 (Good Friday), at Abril 10 (Araw ng Kagitingan).
The STAR / Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Pansamantalang suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga sasakyan sa Makati City sa Mahal na Araw.

Sa abiso na inilabas, hindi ipatutupad ang number coding scheme sa Makati City sa Abril 6 (Holy Thursday), Abril 7 (Good Friday), at Abril 10 (Araw ng Kagitingan).

Ang nasabing advisory ng Makati City go­vernment nitong Biyernes hinggil sa pagsuspinde ng number coding scheme, ay hiwalay sa ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).

Una nang nag-anunsyo ang MMDA na susupendihin ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila mula Abril 6 hanggang Abril 10.

Ang Abril 6 at 7 at regular holidays habang sa Abril 8 (Black Sa­turday) ay special non-working holiday.

NUMBER CODING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with