^

Police Metro

Higit 20 Chinese vessels namataan na umaaligid sa Palawan

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit 20 Chinese vessels namataan na umaaligid sa Palawan
The Philippine Coast Guard identified in this photo release the positions of 14 Chinese maritime militia vessels anchored within the vicinity of Pag-asa Island yesterday.
PCG / Released

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na kanilang namataan ang mahigit 20 Chinese at Vietnamese vessels mula Marso 16 hanggang 21 sa katubigan sa paligid ng Sabina at Ayungin Shoal, at Pag-asa Island sa Palawan.

Inihayag ng PCG na nagsagawa ng maritime patrol mission sa Kalayaan Island Group (KIG) kung saan namataan ang ilang foreign-flagged vessels kabilang ang China Coast Guard Vessels (CCGVs) at ang People’s Liberation Army-Navy (PLAN) Type 056A Jiangdao II Class Missile Corvette.

“Off Sabina Shoal, BRP MALAPASCUA monitored the presence of at least 20 Chinese and Vietnamese vessels,” sabi ng PCG.

“The PCG vessel also encountered at least two CCGVs with bow numbers 5304 and 5305 near the shoal,” dagdag pa nito.

Bagama’t nagpadala ng maraming radio challenge pero walang ginawang tugon­ mula sa nasabing mga barko.

Ayon sa PCG, idineploy ang Rigid-hull Inflatable Boats (RHIBs) upang itaboy ang foreign flagged vessels sa loob at paligid ng shoal.

Gayundin, ang PCG vessel ay naglabas ng maraming hamon sa radyo ngunit ang PLAN vessel ay tumugon sa isang counter radio challenge.

Ayon sa PCG, nagpa­tuloy ang CCGV 5201 na sundan ng BRP MALAPASCUA sa layong humi­git-kumulang 1,600 yarda.

Sa pangyayaring ito sa CCGV 5201 sa Ayungin Shoal, sinabi ng PCG na ang barko ng Chinese Coast Guard ay malapit sa 1.2 nautical miles mula sa grounded Philippine Navy Vessel na BRP Sierra Madre.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with