^

Police Metro

Chief security officer ni ex-governor Teves may malaking papel sa pagpatay kay Degamo

Manny Tupas - Pang-masa
Chief security officer ni ex-governor Teves may malaking papel sa pagpatay kay Degamo
This screengrab shows Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. (Negros Oriental).
Congressman Arnie A. Teves / Facebook

MANILA, Philippines — May malaki umanong papel ang chief security officer ng sugar mill na pag-aari ni ex-Negros Oriental go­vernor Pryde Henry Teves sa pagpatay kay provincial governor Roel Degamo, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na si Nigel Electona, dating pulis ay nandun nang magsagawa ng pagpatay kay Degamo.

“Nandun siya sa briefing at kasama rin siya at isa sa mga tumulong doon sa mga gunmen na may actual participation roon sa pagpatay kay Gov. Degamo,” wika ni Fajardo.

Batay sa record na si Electona na dating police officer ay nakadestino sa Negros Oriental police sa Dumaguete City. Sinibak ito sa serbisyo noong 2017 dahil sa kasong paggamit ng illegal drugs at pagkatapos noon ay nagtrabaho na ito sa pamilya Teves.

Ang pagkakasangkot ni Electona sa madugong krimen ay nang makarekober ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) agents sa bahay nito ng mga larawan ni Degamo, miyembro ng pamilya, mga mapa, sketches ng ruta nang napaslang na gobernador sa sa bahay nito at larawan ng gate of Degamo’s residence sa Pamplona.

Ang mga pira-pirasong ebidensiya ay nag-uugnay na ginamit sa planong pagpatay kay Degamo na kung saan walong iba pa ang nasawi nang lusubin ang bahay.

Si Electona ay isa sa tatlong katao na inaresto ng CIDG operatives nang sala­kayin ang sugar mill sa Santa Catalina noong Biyernes ng hapon na kung saan ay narekober ang iba’t ibang klase ng baril, bala at pampasabog. — Doris Franche-Borja

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with