^

Police Metro

Cong. Teves, isa sa posibleng utak sa Degamo killing - DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa
Cong. Teves, isa sa posibleng utak sa Degamo killing - DOJ
Photo shows the firearm of an officer guarding the wake of Degamo in Dumaguete City.
PTV4

MANILA, Philippines — Kinumpirma kaha­pon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na itinuturing na ang suspendidong si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves bilang isa sa posibleng “masterminds” sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4, 2023.

Sa pulong-balitaan, sinabi pa ni Remulla na hinahanap pa nila ang dalawa hanggang sa tatlong utak sa pagpaslang kay Degamo.

“They can be contacted. I think meron namang nasa social media dyan. ‘Yung isa, meron nag-text sa akin. I told you last week, Cong. Teves texted me. They are being considered as masterminds,” anang kalihim.

Umuusad naman aniya ang imbestigasyon na kanilang ginagawa.

Sinabi rin ni Remulla na si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves, ang nakababatang kapatid ni Cong. Teves ay maaaring masangkot din sa kaso ni Degamo kasunod nang pagsalakay sa kanyang sugar mill noong Linggo na kung saan ay ilang matataas na armas, bala, at pampasabog ang narekober sa 50-ektaryang compound nito sa Barangay Caranoche, Santa Catalina mula Biyernes hanggang Linggo.

Sinabi rin ni Remulla na ang mga suspek na naaresto sa kaso ni Degamo ay nagsabing nakita nila ang paggawa ng mga pampasabog na natagpuan sa raid.

“Well this is used for terrorism, used for assassination, to create havoc, to kill people, nakita niyang ginagawa niyan, and yung gumagawa noon that he said, yung gumagawa non was part of the people arrested also, na kasama sa mga sumurrender,” wika ni Remulla.

Isasailalim sa preli­minary investigation ang nakababatang Teves at tiniyak na igagalang ang lahat ng karapatan ng lahat ng nasasangkot sa kaso, kabilang ang kanilang karapatan sa due process. - Doris Franche-Borja

 

CRISPIN REMULLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with