^

Police Metro

Obrero, nag-bomb joke sa MRT-3, arestado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang trabahador ma­tapos arestuhin nang magbiro na may bomba sa loob ng bag ng kanyang kasamahan habang papasakay sila sa isang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) sa Mandaluyong City kamakalawa.

Sising-sisi naman sa kanyang nagawa ang hindi na pina­ngalanang 25-anyos na lalaki, residente ng Quezon City, na nakapiit sa Mandaluyong City Police dahil sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.

Sa ulat ng pulisya, papasakay sa Shaw Boulevard Station ng MRT-3 ang suspek at mga kasamahan nito kamakalawa ng hapon upang umuwi na matapos ang maghapong pagtatrabaho nang maisipan umano nitong magbiro at sabihing natatagalan ang paghalughog sa bag ng kanyang kasamahan dahil may laman itong bomba.

Narinig naman ito ng guwardiya ng MRT-3, sanhi upang kaagad siyang arestuhin at dalhin sa presinto.

May katapat aniya itong parusa na pagkakakulong ng hanggang limang taon at multa na hindi hihigit sa P40,000.

BOMB JOKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with