^

Police Metro

One strike policy vs ‘Ninja cops’ ipatupad

Joy Cantos - Pang-masa
One strike policy vs âNinja copsâ ipatupad
Ito ang ihihirit ni Speaker­ Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamunuan ng PNP nang masangkot umano sa “hulidap” ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupong Filipino-Chinese businessmen kamakailan.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines —  Ipatupad sa buong bansa “one-strike policy” o agarang­ pagsibak sa puwesto ang mga “Ninja cops” na sangkot sa krimen lalo na sa “hulidap” pati na ang kanilang com­mander.

Ito ang ihihirit ni Speaker­ Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamunuan ng PNP nang masangkot umano sa “hulidap” ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupong Filipino-Chinese businessmen kamakailan.

“Sila ang dapat na nagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan. Bakit sila pa ang inirereklamo ng hulidap at sangkot mismo sa krimen? Ano na ba ang nangyayari sa ilan nating mga pulis?” dismayadong pahayag ni Ro­mualdez.

Magugunita na dumulog kay PNP deputy chief for admi­nistration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang isang grupo ng Chinese nationals­ upang kuwestiyunin ang ope­rasyong isinagawa ng CIDG-NCR noong Marso 13 habang naglalaro ang mga ito ng mahjong bilang tugon umano sa reklamo ng mga naingayang kapitbahay.

Sinabi ng mga complai­nant na kinuha ng mga pulis ang dalawang mamahaling mga relo, mamahaling alahas, at vault na mayroong P3 mil­yong cash.

Kaya naman sinibak sa puwesto ni CIDG director Po­lice Brig. Gen. Romeo Ca­ramat Jr., ang hepe ng CIDG-NCR chief Police Col. Hansel Marantan at 12 nitong tauhan­.

“Dapat talagang magka­roon ng malawakang paglilinis sa hanay ng kapulisan upang maalis ang mga bugok na nasa serbisyo. Kawawa naman ang mga matitinong pulis na nagpapakamatay sa pagganap sa kanilang tungkulin,” ani Romualdez.

NINJA COPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with