^

Police Metro

Biyuda ni Degamo pinatatalsik si Teves sa Kongreso

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo na patalsikin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo  Teves, Jr.

“Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din ng Kongreso ‘yung amin talagang nire-request’’, wika ng alkalde.

Sinabi ni Mayor Janice na suportado rin niya ang panawagan ng mga mambabatas sa pagpapauwi sa Pilipinas kay Teves upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya partikular ang pagpatay sa gobernador.

Si Teves ay itinuro ng dalawang naarestong suspek na sina  Joric Labrador at Benjie Rodriguez,  kapwa  mga dating sundalo na isang nagngangalang Teves ang umano nag-utos sa kanila na likidahin si Governor Degamo.

Napatay si Degamo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4 habang namamahagi ng 4Ps. Bukod sa gobernador ay walong  iba pa ang namatay.

Subalit ang lahat ng alegasyon ay tinanggi ni Teves sa pagsasabing magkatunggali sa pulitika ang mga Degamo at Teves.

Sinabi naman ng Philippine National Police na wala pa ring paramdam sa kanila si Teves para sa pag­bibigay nila ng seguridad sa pagbabalik nito sa bansa.

Pebrero 28 nang umalis sa bansa si Teves at hanggang Marso 9 lamang ang bakasyon nito na hanggang sa ngayon ay hindi pa bumabalik ng bansa.

Magugunita na nakiusap na rin si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Teves na umuwi na ito ng bansa para harapin ang alegasyon laban sa kanya.

 

JANICE DEGAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with