Garafil bilang PCO chief, aprub sa CA
MANILA, Philippines — Kinumpirma na kahapon ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
“Bilang isang simpleng kawani ng gobyerno, isang malaking karangalan po sa akin na ako ay maimbitahan ng ating Pangulo na maging bahagi ng kanyang Gabinete. Nang ako po ay tawagin niya upang maging bahagi ng PCO hindi ako nagdalawang isip sapagkat bilang isang dating journalist at public relations practitioner batid ko kung gaano kahalaga ang papel ng PCO sa pag siguro na maipahatid sa ating publiko ang tamang impormasyon ukol sa mga programa at polisiya ng gobyerno,” pahayag ni Garafil.
Kinilala naman ni Garafil na magiging mabigat ang kanyang trabaho lalo na sa panahon na mabilis na lamang makakuha ng mga impormasyon gamit ang internet.
“There is also a proliferation of fake news. We at PCO will have to make sure and likewise watch ourselves to ensure that we only share facts and truth,” wika ni Garafil.
Inihayag naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kumpiyansa nito kay Garafil sa pagsisikap at integridad nito bilang miyembro ng Gabinete. Suportado rin ng mga senador na sina Jinggoy Estrada, Christopher “Bong” Go, at Loren Legarda ang kumpirmasyon ni Garafil.
- Latest