^

Police Metro

Retrieval ops sa 6 sakay ng bumagsak na Cessna sa Isabela, sinimulan na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ang retrieval operations ng mga awtoridad sa bumagsak na Cessna plane para makuha ang anim na sakay nito sa Brgy. Ditarum, Divilacan, Isabela, ayon sa ulat kahapon.

 Ito’y matapos na matagpuan ang crash site ng nawawalang eroplano at kahapon ay narating na rin ng search and retrieval team ang crash site bandang alas-8 ng umaga.

 Sa report ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, bago dumating ang retrieval team ay nahirapan silang marating ng lugar dahil masyadong madulas ang daan sanhi ng mga pag-ulan sa lugar.

Ang crash site ng 6 seater Cessna plane na tinaguriang “Site Delta” ay matatagpuan sa matarik at magubat na bahagi ng bayan ng Divilacan ng lalawigan may 30 kilomentro ang layo sa baybayin at nasa 20 kilometrong radius naman sa paliparan sa Maconacon.

 “Difficult terrain and the area’s thick jungle are contributing to the difficulty of retrieving the bodies which may take days, according to members of the multi-agency search and retrieval team,” pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, spokesman ng Philippine Army.

 Ang mga lulan ng missing Cessna plane ay ang pilotong si Captain Eleazar Mark Joven, mga pasahero na sina Tom Josthle Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla Espana.

 “Army soldiers and other responders are retrieving the remains of six passengers after search teams finally located the aircraft’s wreckage in the thickly forested part of Barangay Ditarum in Divilacan town on March 9, 2023,” ayon kay Trinidad.

CESSNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with