^

Police Metro

Romualdez tinabla ang hiling na leave extension ni Rep. Teves

Joy Cantos - Pang-masa
Romualdez tinabla ang hiling na leave extension ni Rep. Teves
House Speaker Ferdinand Martin at Negros Oriental Rep. Arnie Teves
KJ Rosales / Negros Oriental Rep. Arnie Teves Facebook page

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ni House Speaker Ferdinand Martin ang kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na mabigyan siya ng isang linggong leave extension kasunod nang pagta­tapos na ng kanyang travel authority noong Marso 9. “Rep. Arnie Teves has asked for a leave extension but I advised him to come back the country as soon as possible,” ayon kay Speaker Romualdez.

Nangangahulugan aniya ito na ang biyahe sa labas ng bansa ni Teves na lampas sa Marso 9, ay hindi na otorisado ng House of Representatives at ang tanging opsiyon nito ay umuwi na lamang ng bansa.

Naniniwala rin si Romualdez na mas makabu­buting umuwi si Teves at harapin ang pagkakadawit ng kanilang pamilya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Ruel Degamo at siyam na iba pa noong nakaraang linggo habang siya ay nasa Estados Unidos.

“Makabubuti na ring umuwi na si Cong. Arnie para harapin ang pagkaka­dawit ng pangalan ng kanilang pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo,” aniya pa.

Binigyang-diin niya na nais ng lahat na marinig ang kanyang panig dahil bukod kay Degamo, ay maraming buhay ang nawala dahil sa naturang karumal-dumal na krimen.

Tiniyak rin naman ng House Speaker na hindi titigil ang pamahalaan upang kilalanin at panagutin ang mga taong nasa likod ng naturang krimen.

Anya, kamakailan ay umamin na ang mga nahuling salarin sa partisipasyon nila sa krimen at hindi titigil ang pamahalaan para kila­lanin at panagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimen.

ARNIE TEVES

FERDINAND MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with