3 suspek sa pag-ambush kay Governor. Adiong, tiklo
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek sa pag-ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. noong nakaraang buwan. Kinilala ang mga naaresto na sina Palawan Salem Macalbo, 34; Nagac Dimatangkil Baratomo, 38; at Amirodin Dimantingkil Mandoc, 29. Nakuha sa mga suspek ang isang Colt M16 rifle, grenade, Colt M16 magazine na kargado ng walong piraso ng bala at rifle grenade.
Matatandaan na noong Pebrero 17 ay tinambangan ang convoy ni Adiong na ikinasawi ng apat nitong escort habang nasugatan ang una at dalawa niyang staff. Ilang araw makalipas ang insidente ay napatay sa operasyon ang isa sa mga suspek na nakilalang si alyas Otin.
- Latest