^

Police Metro

Trak nahulog sa bangin: 7 katao patay, 28 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang 7 katao habang sugatan ang nasa 28 iba pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Sitio Ma­pita, Brgy. Laoag, Aguilar, Pangasinan.

Ayon kay P/Maj. Mark Ryan Taminaya, Chief of Police ng Aguilar Municipal Police Station, galing  bundok ang sinasakyang truck ng mga biktima na  pawang mga construction worker.

Ayon sa drayber ng mini dump truck, na kinilalang si Erick James, 34, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite ay binabagtas nila ang kalsada sa bahagi ng Sitio Mapita at pauwi na nang biglang magkaroon ng mechanical problem ang preno ng truck, dahilan upang mahulog sa kalapit na bangin.

Nagresulta ito sa pagkakaroon ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng 35 na indibidwal na sakay ng sasakyan.

Agad namang dinala ang mga ito sa pinakamalapit na pagamutan ngunit, sa kasamaang-palad, pito sa mga ito ay nasawi.

Kaugnay nito ay nagpahayag naman ang employer ng mga biktima ng pagtulong sa kanilang pagpapagamot.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple  physical injuries ang driver ng truck.

vuukle comment

MARK RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with