^

Police Metro

Biyahe ng mga jeep sa Metro Manila, balik-normal na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa ikalawang araw pa lamang kahapon para sa isang linggong tigil-pasada ng mga drayber at operator para tutulan ang isinusulong na modernisasyon sa kanilang sektor ay nagbalik na sa normal ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, base sa ulat ng Inter-Agency Task Force on tigil-pasada, may mga isolated presence na lamang ng mga raliyista ang nasa Metro Manila.

Ito ay sa mga lugar ng Heritage sa Baclaran, Old Terminal sa Alabang, Mo­numento sa Caloocan City at Catmon/St. Francis St. sa Malabon.

Una nang nagpakalat ng Libreng Sakay ang iba’t ibang local government units sa Metro Manila pati na ang iba’t ibang tanggapan ng pa­mahalaan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC, Office of Civil Defense (OCD) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 130 na sasakyan ng pamahalaan ang ginamit sa Libreng Sakay kung saan nasa halos 5,000 pasahero ang naserbisyuhan.

Una nang sinabi ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuloy ang implementasyon ng modernisasyon sa sektor ng transportasyon. - Mer Layson

TIGIL PASADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with