^

Police Metro

Road safety isama sa school curriculum

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapalakas pang higit ang seguridad sa lara­ngan ng transportasyon sa buong bansa ay nanawagan ang mga bumubuo ng Partnership for Enhanced Road Safety (PERS) sa Kongreso at Senado na isama sa curriculum ng mga mag-aaral mula sa elementarya at high school upang matutunan ang kahalagahan ng road safety at traffic rules upang maiiwasan ang mga disgrasya sa mga lansangan sa ating bansa.

Sinabi ni PERS Executive Director Atty. Alex Abaton, kailangan anya na mapagtuunan ng mga mambabatas na maisama sa pag-aaral  ng mga estud­yante ang mga pumapaloob sa pagpapahalaga sa buhay ng mga gumagamit sa mga kalsada na kinabibilangan ng mga pedestrian, nagbibisekleta, nagmomotor, namamasada at nagsisipagbiyahe upang maiiwasan ang mga sakuna o matinding disgrasya sa mga kalsada.

Batay sa  pag-aaral ay 90% ng mga disgrasya o sakuna sa mga lansangan ay epekto sa kawalang-sapat sa kaalaman sa traffic rules at kakulangan sa kasana­yang pagmamaneho.

Ang mga sakuna sa mga lansangan sa bansa ay patuloy na tumataas sa 20% kada-taon na kinakaila­ngan nang ma­solusyunan sa pangunguna ng mga mambabatas, local government units at law enforcers upang maipatupad ang mga batas sa lansangan para sa kapakanan at proteksiyon ng mga mamamayan.

Ang road safety ay hindi adbokasiya lamang kundi ito ay isang sistema sa ating pamumuhay na kailangang matiyak ang pagpapahalaga sa kasagraduhan sa mga karapatang pantao para sa ligtas na pagbibiyahe.

Si Atty. Abaton ay dalawang deka­dang nanungkulan sa ahensiya ng transportasyon na naitalaga na ito sa iba’t ibang panig ng  bansa ay ipinunto nito na ang larangan ng transportasyon ay malaking aspeto para sa progreso ng pambansang ekonomiya.

Ang road safety ay kailangan nang maipalaganap at maging bahagi sa mga dapat matutunan ng mga mag-aaral upang higit na mapayabong ang pag-unlad sa ekonomiya at mapaunlad ang kabuhayan ng bawat mamamayan.

vuukle comment

ROAD SAFETY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with