^

Police Metro

Public schools sa Maynila magpapatupad ng ‘asynchronous class’, face-to-face sa private

Ludy Bermudo - Pang-masa
Public schools sa Maynila magpapatupad ng âasynchronous classâ, face-to-face sa private
Parents accompany their children for their first day of face-to-face classes at the Concepcion Elementary School in Marikina on Monday (August 22, 2022).
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang magiging epekto ng itinakdang isang linggong transport strike, pagpapatupad ng “asynchronous classes” sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa Maynila sa Marso 6 hanggang Marso 11.

Hinimok din ang mga pamunuan ng mga pribadong eskuwelahan na magpatupad muna ng online classes kaugnay din sa tigil-pasada dahil sa posibleng epekto sa mga mag-aaral, guro at staff na walang masasakyan.

“Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares asynchronous classes in all public schools in all levels in the City of Manila from Monday, March 6 to Saturday, March 11, 2023 due to the upcoming transport strike in NCR,” ayon sa Facebook post ni Atty. Princess Abante ng Manila Public Information Office.

“Private schools are encouraged to switch to online classes during this time,” saad pa sa public advisory.

Ang planong pitong araw na tigil-pasada ay kaugnay sa matinding pagtutol ng ilang transport groups sa modernization program ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng public utility vehicle (PUV) na 2017 pa inilunsad.

Samantala, personal na pangungunahan ni Lacuna ang pagpapatupad ng “OPLAN: LIBRENG SAKAY” ng pamahalaang lungsod sa unang araw ng transport strike, bukas.

Pangangasiwaan at pagmo-monitor sa deployment ng mga gagamitin sa libreng sakay sina Manila Police District (MPD) Director, P/Brig. General Andre Dizon, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) adviser Dennis Viaje, at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles, na magsisimula alas-5:00 ng umaga ng Lunes sa Kartilya ng Katipunan.

CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with