^

Police Metro

6 suspek sa Adamson student hazing slay kinasuhan na

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pang-masa
6 suspek sa Adamson student hazing slay kinasuhan na
Inieskortan ng mga Philippine National Police (PNP)-Biñan, Laguna sa DOJ ang anim na suspek na sangkot sa pagkamatay sa hazing ng Adamson student na si John Matthew Salilig upang kasuhan.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng pulisya ang anim na katao na sangkot sa pagkasawi ng third year student ng Adamson University na si John Matthew Salilig, 24-an­yos sa isang  fraternity initiation rites sa Biñan City, Laguna, kamakailan.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Tung Cheng Teng; Earl Anthony Romero; Jerome Balot; Sandro Victorino; Michael Lambert Ritalde at Mark Pedrosa na dinala sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila para sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 11053, o the Anti-Hazing Act of 2018, na inam­yenda ng RA 8049, ang anti-hazing law na pumasa noong 1995.

Ang mga suspek ay mahigpit na ineskortan ng mga armadong pulis sa pangunguna ni Laguna police director Col. Randy Glenn Silvio mula sa pagkakulong ng mga ito sa Biñan City police station.

Ang anim ay kabilang sa 17 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na nagsagawa ng initiation rites habang ang iba nilang kasama ay patuloy na nakakatakas.

Noong una ay tinawag muna silang persons of interest ng pulisya, subalit nang dumating ang neophyte na si Roi dela Cruz kasabay ni Salilig sa ha­zing ay positibong itinuro nito ang anim na pawang mga principal suspects.

Ang nasabing neophyte ay nakaranas din ng naranasan ni Salilig ng 70 palo sa katawan gamit ang kahoy na paddle.

Batay sa autopsy report mula sa Calabarzon police na si Salilig ay namatay dahil sa resulta ng matinding palo sa ibaba ng kanyang katawan.

Kakasuhan din ng pulisya ng obstruction of justice si Gregorio Cruz, ang may-ari ng Ford Everest sport utility vehicle (SUV) na sinakyan ni Salilig at iba pang fraternity members pagkatapos ng hazing dahil sa tumanggi ito na ibigay sa pulisya na nagtungo sa bahay nito sa Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Ang SUV ay isa lang sa ebidensiya na inii­ngatan ng pulisya dahil dito isinakay ang noo’y naghihingalo na si Salilig hanggang sa ito ay mamamatay.

Inilipat ang katawan ni Salilig sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa Brgy. Malagasang 1-G, Imus City, Cavite kung saan inilibing sa isang bakanteng lote ang bangkay nito.

ADAMSON UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with