^

Police Metro

Empleyada ng city hall inihulog ng traffic enforcer sa tulay

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang emplayada ng Tayabas City Hall ang muntikan nang mamatay makaraang ihulog sa ilog ng kanyang kinakasamang traffic enforcer mula sa ibabaw ng tulay sa Tayabas City, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na kasalukuyang ginagamot sa ospital dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan sanhi ng pagkahulog mula sa 10 metrong taas na tulay ay kinilalang si Verlyn Serrano Obcemia, 28-anyos, residente ng Brgy. Dapdap, Tayabas.

Tumakas naman ang 33-anyos na suspek na si Jerome Cabile Cabuyao, isang traffic enforcer ng Tayabas City, matapos ang pangya­yari.

Sa report ng Tayabas City police, alas-10:30 ng gabi ay galing sa birthday party ng isang kaibigan ang magka-live in at papauwi na sa kanilang bahay at sakay ng kanilang motorsiklo nang magkaroon ng pagtatalo.

Dito ay itinigil ng suspek ang motorsiklo sa gitna ng tulay at sa kasagsagan ng pagtatalo ay itinulak nito ang babae at inihulog sa tulay.

Bumagsak ang biktima sa mababaw na tubig at ba­tuhang bahagi ng ilog.

Mabilis na pinasibad ng suspek ang kanyang motorsiklo matapos ang insidente.

May ilang nakasaksi na agad nakatawag ng saklolo sa mga otoridad.

Sa pagresponde ng tauhan ng Tayabas CDRRMO, naisugod ang biktima sa isang ospital sa Lucena City.

Ayon sa pulisya, naka­inom ang suspek nang mang­yari ang insidente na patuloy pang pinaghahanap at kakasuhan ng frustrated homicide.

KRIMEN

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with