^

Police Metro

Kelot kulong nang ipantakip ang watawat ng Pinas sa kotse

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa ginawang pantakip sa kotse ang bandila ng Pilipinas ay sinampahan ng kaso ng Mandurriao Police Station ang isang lalaki. Ayon kay P/Lt. Joebert Amado, deputy chief ng Mandurriao Police Station, kasong pag­labag sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ang isinampa laban kay Jared Serrano, 25, sa Iloilo City Prosecutor’s Office. Nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang paggamit sa Philippine flag bilang panakip sa kisame, dingding o kahit sa anumang bagay­ na nagpapakita ng pag­kawalang-respeto sa bandila ng bansa. Umaasa ang kapulisan na sa nangyaring paglabag ay magsilbi itong aral sa publiko na huwag gamitin sa anu­­mang bagay ang watawat na nagpapakita ng pagka­walang respeto.

PHILIPPINE FLAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with