^

Police Metro

Pagtugis sa hoarders at smugglers ng agricultural products, paigtingin pa

Joy Cantos - Pang-masa
Pagtugis sa hoarders at smugglers ng agricultural products, paigtingin pa
Individuals browse through aisles as they shop for food items inside a supermarket in Quezon City on January 16, 2023.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Higit pang paigtingin ang pagtugis sa mga hoarders at smuggler ng agricultural products sa bansa, partikular na ng bawang at sibuyas.

Ito ang paghikayat ni House Speaker Martin Romualdez sa mga otoridad dahil sa epektibo ang ginagawang raid sa mga warehouse at container van na hinihinalang naglalaman ng mga smuggled na produkto.

Ayon sa mambabatas na mula sa Leyte, lumilitaw na itinatago lang ang mga “tusong negosyante” ang mga agricultural products para manipulahin ang presyo.

Sinabi pa ni Speaker Rumualdez, sa ngayon ay unti-unti ng bumababa ang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang agri-products  dahil lumalabas na sa mer­kado ang mga ito.

Ikinatuwa ni Speaker Romualdez ang mabilis na pagtugon ng mga law enforcement agencies sa kanyang kahilingan na i-raid ang warehouses na hinihinalang nagtatago ng mga sibuyas at bawang na nagpapahirap sa maraming Pilipino.

Muling binalaan ni Speaker Romualdez ang mga ‘evil hoarder’ na itigil na ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa taumbayan na siyang dahilan ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kamakailan ay sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Custom (BoC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Rubio ang 24 warehouse sa Maynila at Malabon at nakuha sa mga ito ang tinata­yang P150 milyong halaga ng imported na bawang at sibuyas.

BOC

SMUGGLERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with