Ayudang P5K ibigay sa 4 milyon na minimum wage earners
MANILA, Philippines — Sa gitna ng inflation ng bansa ay umapela kahapon si House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng tig-P5K ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.
Inirekomenda rin ng solon ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging “BBM Assistance Para Sa Manggagawang Pilipino” o BAMP para sa pamamahagi ng cash assistance na lubhang kailangan na.
Sa ilalim ng BAMP ay bibigyan ng ayuda na “one time big time P5,000” pinansiyal na tulong ang nasa 4 milyong minimum wage earners kung saan ang pondo ay kukunin mula sa gobyerno tulad sa Presidential Social Fund.
Binigyang diin pa ni Mendoza na layunin ng BAMP na matulungan ang kapwa mga manggagawa at negosyo sa matinding epekto ng ‘inflation’ na labis na nagdurusa.
Binigyang diin ng Kongresista na hindi biro ang record-high na 8.7% inflation rate, kaya napapanahong magkaroon ng “urgency” o mabilis na aksyon para tulungan ang mga manggagawa sa kahirapan at kagutuman.
- Latest