Kartel, hoarders, profiteers pahirap sa Pinoy – grupo
Food supply ‘di problema
MANILA, Philippines — “Walang problema sa suplay ng pagkain sa bansa dahil ang nakikita nilang nagpapahirap sa buhay ng mga pamilyang Pilipino ay ang kartel, hoarders at profiteers na silang pumipigil at nagmamanipula ng mga presyo sa mga inaaning produktong pang-agrikultura sa merkado.”
Ito ang iginiit ng Malayang Konsyumer at sabay ng panawagan na agaran nang ipasa ang Senate Bill 1688 na inihain ni Senador JV Ejercito, na naglalayong maamyendahan ang RA 10845 o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016”.
Ayon kay Atty. Simoun Salinas, tagapagsalita ng Malayang Konsyumer, sa ilalim ng Senate Bill 1688 ni Senator “The Good One”, ang mga nasa likod ng hoarding, profiteering, kartel at iba pang pang-aabuso sa merkado ng agri-products ay ituturing din bilang isang uri ng economic sabotage, na papatawan ng mas mabigat na kaparusahan.
Kung sinusuportahan nina Salinas ang panukala ni Senator Ejercito ay mariin naman nilang binabatikos at tahasang sinabi na dapat ibasura ang bersiyon ni Senator Lito Lapid na pagbabago sa RA 10845.
Sa Senate Bill 1812 na inihain ni Senador Lito Lapid, nais nitong maisama ang tabako at cigarette products sa hanay ng mga produktong agrikultura na mahigpit na babantayan sa ilalim ng nasabing batas.
- Latest