Big time price rollback sa krudo, kerosene ngayong V-Day
MANILA, Philippines — Ngayong Araw ng mga Puso ay magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng diesel at kerosene.
Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, magbabawas sila ng P2.20 sa kada litro ng produktong diesel at magbabawas din sila ng P2.50 sa kerosene.Wala namang price adjustment sa produktong gasolina.
Maging ang Seaoil at Petro Gazz ay magtatapyas ng P2.20 ng kada litro ng diesel at P2.50 tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene.
Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Pebrero 7, P5.10 ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.05 sa diesel at P2.25 sa kerosene. - Mer Layson-
- Latest