^

Police Metro

Mag-ina, natusta sa sunog

Mer Layson - Pang-masa
Mag-ina, natusta sa sunog
Isinakay ng mga Funeral parlor personnel ang body bag ng tupok na katawan ng isang mag-ina matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay, kaha-pon sa Barangay Krus na Ligas, Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Halos hindi na ma­kilala ang isang mag-ina dahil sa pagkasunog ng kanilang katawan matapos makulong sa nasusunog nilang kuwarto sa Brgy. Krus na Ligas, Quezon City, kahapon.

Hindi muna pinanga­lanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pa­ngalan na ang ina ay ini­la­rawang nasa 40-anyos habang 17 hanggang 18-anyos ang kanyang anak na babae.

Sa ulat ng BFP, pasado alas-2:00 ng hapon nang maganap ang sunog sa da­lawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 13-2 Avelino Alley Lt. J. Fran­cisco St., Brgy Krus na Ligas, Quezon City na pagmamay-ari ng isang Pepito Mente ngunit inookupa umano ng isang Judy Aqui­lino at Alexis Aquilino.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bago mag-alas-2:58 ng madaling araw.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng apoy, ngunit ka­bilang sa iniimbestigahan nila ay posibleng arson o sinadya ang sunog.

“Kakaiba po ang sunog na ito, iisang kuwarto po siya at merong commotion ... nandun ‘yung bata, sinasabing nagsisigaw ng tulong at hindi mabuksan kasi naka-lock po. At later on, siguro mga ilang minuto, nandun na nga, bigla na lang nagkaroon ng apoy at nagkaroon ng sunog doon,” ayon kay Fire Sr. Supt. Aristotle Bañaga.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot lamang sa P24,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog at ang silid lamang ng mga biktima ang naapek­tuhan.

vuukle comment

FIRE VICTIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with