^

Police Metro

Bilang ng minor na nabuntis ng mas matandang lalaki,tumaas

Gemma Garcia - Pang-masa
Bilang ng minor na nabuntis ng mas matandang lalaki,tumaas
Idinagdag pa ni Angara ang mas nakaaalarma ay ang isa sa mga lumabas sa pag-aaral ng PSA na 6 hanggang 7 porsyento ng teenage pregnancies ay dahil sa pakikpagtalik ng mga batang babae sa mga lalaking mas matanda sa kanila ng higit sa 10 taon.
John Moore / AFP

MANILA, Philippines — Nakakaalarma na umano ang pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad na nabubuntis ng mga mas nakakatandang lalaki.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na kailangan na umanong kumilos ang gobyerno sa nakakaalarmang bilang batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ng PSA, kara­mihan sa mga lalaking may pananagutan sa maagang pagdadalantao ng mga kabataang babae ay mas matanda sa kanila ng tatlo hanggang limang taon.

Idinagdag pa ni Angara ang mas nakaaalarma ay ang isa sa mga lumabas sa pag-aaral ng PSA na 6 hanggang 7 porsyento ng teenage pregnancies ay dahil sa pakikpagtalik ng mga batang babae sa mga lalaking mas matanda sa kanila ng higit sa 10 taon.

Ani Angara, hindi lamang nalalagay sa moral at social issues ang mga kabataang ito dahil sa early pregnancies, kundi napaka-delikado rin ng kalagayang ito sa kanilang kalusugan.

Aniya, magandang hakbang ang nasimulan ng nakaraang liderato, pero dapat ay mas matutukan pa ito upang tuluyang bumaba ang mga kaso ng teenage pregnancies sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Angara ang early pregnancies sa mga babaeng may edad 10-14 upang mailigtas ang mga ito sa posibleng panganib ng maagang pagbubuntis at panganganak.

Sinabi rin ni Senador Raffy Tulfo na adult o nasa hustong gulang ang nakabuntis sa may 97% na menor de edad na nabuntis kaya dapat paigtingin ang pagbabantay sa mga kabataan.

TEENAGE PREGNANCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with