^

Police Metro

PhilMech magpapatupad ng reporma

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng mga pagbabago at reporma ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) upang mati­gil na ang katiwalian at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Ito ang ipinangako ni PhilMech chief na si  Dr. Dionisio G. Alvindia upang ipagtanggol ang hakbang na i-reshuffle ang walong tauhan ng PhilMech na iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng ahensya.

Nangako rin si Alvindia na magiging mas transparent sa paggastos nila ng pondo at pagbibi­gay ng iba’t-ibang uri ng makinarya na magagamit ng milyon-milyung magsasaka sa bansa.

Nauna rito, nasa wa­long tauhan ng PhilMech ang ni-reshuffle sa puwesto upang maiwasang maimpluwensyahan ang resulta ng mga imbestigasyon na isinasagawa ng ahensya laban sa kanila.

Ikinalungkot din ni Dir. Alvindia na may isang grupo ng “PhilMech Retirees” na sumasakay sa isyu sa loob ng ahensya, at sumasama pa sa mga apektadong tauhan sa pagpapakalat ng mga ito ng maling akusasyon gayung ang mga bagong talaga sa puwesto ay pawang kuwalipikado at may kakayahan sa mga posisyon ng Deputy Director at Division chief dahil lahat sila ay mga empleyado ng PHilMech.

PHILMECH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with