^

Police Metro

Bagong gradweyt, bigyan ng P5K cash aid – Villar

Joy Cantos - Pang-masa
Bagong gradweyt, bigyan ng P5K cash aid – Villar
Si Villar ay naghain ng House Bill (HB) 6542 o ang Fresh Graduates P5,000 One –Time Cash Grant Act upang mabigyan ng pinansyal na ayuda ang lahat ng mga “fresh graduates” sa mga  Philippine tertiary institutions, kolehiyo, unibersidad at maging sa mga iba pang institusyon ng pagsasanay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa pag­hahanap ng trabaho, isinusulong ni Las Piñas City Rep. Camille Villar na big­yan ng one–time cash aid subsidy na P5,000 ang mga estudyanteng bagong gradweyt sa bansa.

Si Villar ay naghain ng House Bill (HB) 6542 o ang Fresh Graduates P5,000 One –Time Cash Grant Act upang mabigyan ng pinansyal na ayuda ang lahat ng mga “fresh graduates” sa mga  Philippine tertiary institutions, kolehiyo, unibersidad at maging sa mga iba pang institusyon ng pagsasanay.

Nilalayon ng panukalang batas ni Villar na ma­bigyan ng inisyal na panggastos ang mga bagong gradweyt ang nahihirapan sa pag-a-apply ng trabaho dahil sa kawalan ng sapat na pondo lalo na at mataas ang inflation.

Gayundin, sobrang mahal ng mga bilihin at hirap sa badyet ang mga bagong gradweyt lalo na ang mula sa pamilya ng mga maralita.

Sakaling mapagtibay bilang batas, ang lahat ng nais mag-avail ng cash aid ay maaaring magtungo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at magpakita ng kopya ng diploma o kahit na anong lehitimong pruweba ng kanilang graduation na inis­yu ng kanilang pinanggalingang mga educational institutions.  

vuukle comment

FINANCIAL AID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with