Alert Level 1 ikinasa sa Bulkang Taal
MANILA, Philippines — Matapos makapagtala ng 49 volcanic tremors sa paligid kahapon ay itinaas ng Philippine Institute of volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 1 ang bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig naitala rin ang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 900 metrong taas sa timog-kanluran.
Sinabi ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.
Nagbabala rin ang ahensya na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa bulkan.
Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas.
- Latest