^

Police Metro

1.36 milyong kasambahay walang employment contracts

Malou Escudero - Pang-masa
1.36 milyong kasambahay walang employment contracts
Nakasaad sa batas na dapat ay may employment contract sa pagitan ng  domestic worker at ng employer bago magsimula ang serbisyo.
AFP / File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umaabot sa 1.36 milyon mga kasambahay sa bansa ang walang employment contract.

Ayon kay Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC), nakakabahala na sa 1.4 milyon kasambahay sa bansa, nasa 35,000 lamang ang may employment contract na ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law.

“Sa Labor Force Survey (LSF) at tinatala po doon na mayroong estimated na 1.4 million sa ating bansa pero challenge po talaga iyong compliance ‘no, pagsunod doon sa ating batas, halimbawa po doon po sa batas ay nalaman nila na out of 1.4 million, 2.5% lamang ang may employment contract. So, ito po ay around 35,000 lang at 1.36 million po ay wala pong written employment contract,” ani Satumba sa Laging Handa public briefing.

Ayon pa kay Satumba, kakaunti rin ang bilang ng mga domestic workers na may kontribusyon sa Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig).

“Concern din sa amin ang mababang coverage sa mga social protection agencies. Nakita namin na 8.3 percent lang ng 1.4 million ang sakop,” ani Satumba.

Sinabi ng labor official na masigasig sila sa kam­panya para sa pagsunod sa Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law.

Nakasaad sa batas na dapat ay may employment contract sa pagitan ng  domestic worker at ng employer bago magsimula ang serbisyo.

EMPLOYMENT CONTRACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with