^

Police Metro

Mga nasugatan sa paputok sumampa na sa 307 — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health na umakyat na sa 307 ang bilang ng mga fireworks-related injuries sa bansa makaraang madagdagan ng 16 na bagong kaso ng mga naputukan ang naitala sa DOH sentinel hospitals mula Enero 5 hanggang 6.

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa tatlongdaan at pito (307) na mas mataas ng animnapu’t dalawang porsyento (62%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa,” pahayag ng DOH.

Batay sa pinakahuling surveillance report, nananatiling ang Metro Manila ang may pinakamaraming fireworks-related injuries sa 139 na kaso na ang karamihan sa mga biktima ay lalaki, o 245 na kaso edad 1 hanggang 80 habang malaking bahagi rin o 167 na kaso ang nang­yari sa mga kalsada at 130 naman ang nangyari sa mismong tirahan.

Nangunguna sa pinakamapanganib na uri ng paputok ang boga, kwitis, 5-star at fountain. Ito na ang  huling araw ng monitoring ng DOH sa mga insidente ng nabiktima ng paputok sa bansa kaugnay ng Iwas-Paputok 2022-23 na kampanya ng pamahalaan.

PAPUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with