^

Police Metro

Bagong silang na sanggol iniwan sa sementeryo

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol na tinatayang isang araw pa lamang naisisilang ang  natagpuan sa loob ng isang public cemetery sa Brgy. Dungawan Central, Guinayang, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa pulisya, isang Joven Nuga ang nakakita sa sanggol na lalaki na nakala­gay sa loob ng sako at may nakakabit pang ambilical cord, alas-3:20 ng hapon.

Naglalakad umano si Nuga sa sementeryo nang makarinig siya ng walang tigil na iyak ng sanggol at nang hanapin ay doon na niya ito nakita na halos nilalanggam na.

Mabilis na dinala sa Guinayangan Community Medicare Center ang sanggol at isinailalim sa medikasyon at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.

 Hinahanap na ng pulisya ang walang pusong ina ng sanggol na nag-abandona dito upang papanagutin. — Ed Amoroso

NEW BORN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with