^

Police Metro

6 sangkot sa ‘missing sabungeros’ kinasuhan

Danilo Garcia - Pang-masa
6 sangkot sa ‘missing sabungeros’ kinasuhan
Sa resolusyong inilabas nitong Disyembre 22, nakitaan ng “probable cause” para sampahan ng kaso ang farm manager na si Julie Patidongan at limang iba pa na sina Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr. na dawit sa “missing sabu­ngeros”.
STAR / File

MANILA, Philippines — Anim na indibidwal na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero noong Enero ang kinasuhan ng illegal detention ng Department of Justice (DOJ).

Sa resolusyong inilabas nitong Disyembre 22, nakitaan ng “probable cause” para sampahan ng kaso ang farm manager na si Julie Patidongan at limang iba pa na sina Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr. na dawit sa “missing sabu­ngeros”.

Ang kaso laban sa anim ay inihain sa Manila City Regional Trial Court at isusumite dito ang lahat ng impormasyon na nakalap ng DOJ panel.

Itinuturo ang anim na nabanggit na dawit sa sabwatan sa pagdukot sa mga biktima na nakila­lang sina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco at Rowel Gomez noong Enero 13.

Nabatid na umalis sa Tanay, Rizal ng natu­rang petsa ang mga sa­bungero dakong ala-1 ng hapon at nagtungo sa Manila Arena. Dakong alas-7:30 ng gabi nang puwersahan silang isakay ng isang grupo ng kalalakihan sa isang gray na van at hindi na nakitang muli.

Itinanggi ng mga aku­sado ang kinalaman­ sa pagkawala ng mga sabungero ngunit ikinatwiran ng DOJ panel na binigyan nila ng kon­­siderasyon ang po­si­ti­bong pagtukoy sa ka­nila na nagdidiin sa kaso at sa testimonya ng mga saksi.

 

DERBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with